Ang babae ay hindi kaning inihahain
sa mesa ng matrimony
iniluluwa kapag mainit at takot kang
mapaso,
sinasabawan ng kape sa umaga
kapag ikaw ay nagkulang,
at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.
Ang babae ay hindi karneng
dinuduro at kinikilo,
ginigisa ang laman sa iyong mga pangako,
nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo
at ginagawang chicharon ang balat
upang maging pulutan.
Ang babae ay hindi halayang
panghimagas sa iyong kabusugan
inumin sa iyong katandaan
o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.
May tiyan din siyang kumakalam,
may sikmurang kailangang mapunan
at pusong dapat mahimasmasan.
Kasama mo siyang nagtatanim ng
maisasaing,
katuwan na naghahanda
ng almusal, tanghalian at hapunan,
kaharap at kasalo sa kinabukasan.
Tuesday, January 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
this poem speaks volumes
yeah...
i really like joi barrios... hope you could post more of hers... :)
A great one! Fine example of modern filipino poetry :)
Thank you Anon and MS Lady Sovereign. Will try to post more poems. I have been away for too long. :)
good words
a perfect poem that talks about the status of women in the society :)thanks for posting this
This is shit man i thought it was trandlated you piecce of trash
Post a Comment