Pilipina ako. At sa bayan ko ngayon Tatlong libong Amerikanong sundalo ang naroon. Ito ang awit ko. Awit ng pagkutya, hinagpis at pagtawag.
| I am a Filipina woman. And in my country There are three thousand American soldiers. This is my song. My song of satire, my lament, my call to action.
|
Yankee doodle came to town Riding on a pony Killed and maimed and tortured us And called it a... democracy. Yankee doodle keep it up, Yankee doodle dandy, Burn the village and the town, And with your gun be handy.
| |
Amerika, Amerika Kay dali mong lumimot, Amerika. Ipinagpalit ang dugo makapangyari lamang. Pagkat ano ang halaga ng buhay ng mahirap? Ang halaga ng buhay ng taong may kulay? Bawat Pilipino’y may pilat Pilat ng bayang sinakop ng dahas.
| America, America How easily you forget, America. You traded lives for power. What is the value of life in a poor country? The value of life of a person of color? We are forever scarred Filipinos marked by the violence of your war.
|
Yankee doodle comes again Riding on a fighter Brings his war to my country And calls it a ... democracy.
| |
Amerika, Amerika Patungo ka na naman sa digma, Amerika. Ipinagpalit ang dugo para sa langis. Ang bayan ko’y hindi palaruan Ng iyong mga tanke’t sundalo. Ang bayan ay di lamang lupa, O bundok o dagat. Ikamamatay namin ang iyong mga punglo Ikawawasak naming ang iyong mga bomba. Kami’y mahirap lang Kami’y taong may kulay Ngunit inaawit naming ang dangal Ang laya, ang kapayapaan. Layas, Amerika Sa aking bayan ay lumayas.
| America, America Off to war again, America. Trading blood for oil. My country is not a playground For your tanks and soldiers. A nation is not just land, Mountains, sea. We die with your bullets. We perish with your bombs. We live in poverty We are people of color Yet we sing of dignity, Sovereignty and peace. Leave, America Leave my country, leave. |
Tuesday, January 8, 2008
Yankee Doodle Goes to War (Joi Barrios)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment