Tuesday, April 22, 2008

Andy Warhol Speaks to His Two Filipina Maids

by Alfred Yuson

Art, my dears, is not cleaning up
after the act. Neither is it washing off
grime with the soap of tact. In fact
and in truth, my dears, art is dead

center, between meals, amid spices
and spoilage. Fills up the whitebread
sweep of life's obedient slices.

Art is the letters you send home
about the man you serve. Or the salad
you bring in to my parlor of elites.
While Manhattan stares down at the soup

of our affinities. And we hear talk of coup
in your islands. There they copy love
the way I do, as how I arrive over and over

again at art. Perhaps too it is the time
marked by the sand in your shoes, spilling
softly like rumor. After your hearts I lust.
In our God you trust. And it's your day off.

Principe by Eman Lacaba

I do not know my own position.
Somewhere behind me is a structure
of masks and walls that have been my life
in plays with lives. Each four-cornered

room unknown to and unknowing of each other
contains me, knowing all, known
to all, and yet unknown. I have come
to a room of mirrors and am caught

by my selves. It is different,
for I escape before and behind,
left and right of me, a stage without

the curtains and yet with them,
stage by stage, a pattern of deception.
I do not know my own position.

Saturday, April 5, 2008

KUNDIMAN

by Eman Lacaba

Ang sabi mo pula ang paborito mo.
Ang sabi ko puti ang paborito ko.
Kagabi nang tayong dalawa'y nagkita,
nakapula ako at nakaputi ka.


KUNDIMAN

What you said was red is a favorite of yours.
What I said is white was a favorite of mine.
When the two of us saw each other last night,
I dressed in red and you wore white.

(translated from the Tagalog by Paolo Javier)

Tuesday, January 8, 2008

Kasalo (Joi Barrios)

Ang babae ay hindi kaning inihahain
sa mesa ng matrimony
iniluluwa kapag mainit at takot kang
mapaso,
sinasabawan ng kape sa umaga
kapag ikaw ay nagkulang,
at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.

Ang babae ay hindi karneng
dinuduro at kinikilo,
ginigisa ang laman sa iyong mga pangako,
nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo
at ginagawang chicharon ang balat
upang maging pulutan.

Ang babae ay hindi halayang
panghimagas sa iyong kabusugan
inumin sa iyong katandaan
o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.

May tiyan din siyang kumakalam,
may sikmurang kailangang mapunan
at pusong dapat mahimasmasan.
Kasama mo siyang nagtatanim ng
maisasaing,
katuwan na naghahanda
ng almusal, tanghalian at hapunan,
kaharap at kasalo sa kinabukasan.

Yankee Doodle Goes to War (Joi Barrios)

Pilipina ako.

At sa bayan ko ngayon

Tatlong libong Amerikanong sundalo ang naroon.

Ito ang awit ko.

Awit ng pagkutya, hinagpis at pagtawag.

I am a Filipina woman.

And in my country

There are three thousand American soldiers.

This is my song.

My song of satire, my lament, my call to action.

Yankee doodle came to town

Riding on a pony

Killed and maimed and tortured us

And called it a... democracy.

Yankee doodle keep it up,

Yankee doodle dandy,

Burn the village and the town,

And with your gun be handy.

Amerika, Amerika

Kay dali mong lumimot, Amerika.

Ipinagpalit ang dugo makapangyari lamang.

Pagkat ano ang halaga ng buhay ng mahirap?

Ang halaga ng buhay ng taong may kulay?

Bawat Pilipino’y may pilat

Pilat ng bayang sinakop ng dahas.

America, America

How easily you forget, America.

You traded lives for power.

What is the value of life in a poor country?

The value of life of a person of color?

We are forever scarred

Filipinos marked by the violence of your war.

Yankee doodle comes again

Riding on a fighter

Brings his war to my country

And calls it a ... democracy.

Amerika, Amerika

Patungo ka na naman sa digma, Amerika.

Ipinagpalit ang dugo para sa langis.

Ang bayan ko’y hindi palaruan

Ng iyong mga tanke’t sundalo.

Ang bayan ay di lamang lupa,

O bundok o dagat.

Ikamamatay namin ang iyong mga punglo

Ikawawasak naming ang iyong mga bomba.

Kami’y mahirap lang

Kami’y taong may kulay

Ngunit inaawit naming ang dangal

Ang laya, ang kapayapaan.

Layas, Amerika

Sa aking bayan ay lumayas.

America, America

Off to war again, America.

Trading blood for oil.

My country is not a playground

For your tanks and soldiers.

A nation is not just land,

Mountains, sea.

We die with your bullets.

We perish with your bombs.

We live in poverty

We are people of color

Yet we sing of dignity,

Sovereignty and peace.

Leave, America

Leave my country, leave.

Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan

Amado V. Hernandez


Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha

Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:

Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,

Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,

Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,

Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,

Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;

Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,

Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;

Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,

Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop

Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:

Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,

Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;

Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,

Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,

Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,

Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,

Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,

Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,

Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,

May araw ding di na luha sa mata mong namumugto

Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,

Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;

Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo

At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!


Tula ni Oriang

Magmula Giliw ng ikaw ay pumanaw
Katawan at puso ko'y walang paglagyan
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang
Lalo't magunita ang iyong palayaw.

Lubhang malabis ang aking pagdaramdam
Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan
Alaala ko sa iyong padaraanan
at gayun din naman sa iyong Katawan.

Na baka sakaling ikaw ay kapusin
Lumipas sa iyo oras ng pagkain
Sakit na mabigat baka ka sumpungin
Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.-

Saan patutungo yaring kalagayan
Dalanhating lubos liit ng katawan
Magsaya't kumain hindi mapalagay
Maupo't tumindik alaala'y ikaw.

"Kalakip ang wikang magtiis katawan
"Di pa na lulubos sa iyo ang layaw
"Bagong lalaganap ang kaginhawahan
"Ay biglang nagisip na ikaw ay iwan."-

At kung gumabi na sa banik ay hihiga
Matang nagaantok pipikit na bigla
Sa pagka himbing panaginip ka sinta
Sabay ang balong di mapigil na luha.-

Sa pagka umaga marahan titindik
Tutob ng kamay yaring pusong masakit
Tuloy sa dungawan kasabay ang silip
Sa pinaroonan mong hirap ay mahigpit-

Matapos sumilip pagdaka'y lalabas
Sa dulang kakanan agad haharap
Ang iyong luglukan kung aking mamalas
Dibdib ko'y puputok paghinga'y banayad-

Sama ng loob ko'y aking magisa
Di maipahayag sa mga kasama
Puso ko ay lubos na pinagdurusa
Tamis na bilin mo'y "magtiis ka sinta."

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala